GMA Logo coach jay
What's on TV

Coach Jay, todo-pasasalamat sa mga tumangkilik sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published October 21, 2025 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

coach jay


Umaasa si Coach Jay na magkaroon ng second season ang 'Stars on the Floor.'

Sa pagtatapos ng Stars on the Floor noong Sabado, October 18, grateful at proud si Coach Jay sa naganap na finale.

Sa exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ng Dance Trend Master na ramdam niya ang mainit na suporta ng mga manonood sa programa.

“Sa mga sumusuporta, sa mainit na suporta ng mga taong bayan sa Stars on the Floor, maraming maraming salamat po kasi binigyan niyo ng halaga 'yung mga ganitong talent, 'yung pagsasayaw at gusto ko sabihin na 'yung dancer is hindi dancer lang,” pahayag niya.

Bilang kapwa dancer, tuwang-tuwa si Coach Jay dahil nabibigyan ng spotlight ang ganitong klaseng talento. Hiling niya, kung sakaling magkaroon ng Season 2, ay mas mabigyan ng mas malaking platform ang mga dancer para maipamalas ang kanilang galing at talento.

“Para sa akin, kung magkakaroon man ng season 2, parang gusto ko, 'yung kasali dito, 'yung mga dance community para mabigyan din sila ng exposure at opportunity,” aniya.

Noong finale, itinanghal sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi bilang Ultimate Dance Star Duo. Nakakuha sila ng PhP1 million at isang donasyong PhP500,000 para sa Smile Train Philippines, na buong puso namang ibinigay ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Samantala, balikan dito ang finale ng Stars on the Floor: