GMA Logo Coah Miguel and Karelle, and Coach Paolo and Maria
Source: miguelbenjamin_/IG, paolobenjamin_/IG
What's on TV

Coach Paolo, naiyak nang ikasal ang kakambal na si Coach Miguel ng Ben&Ben

By Kristian Eric Javier
Published September 11, 2025 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UN biodiversity treaty enters into force, aims to protect 30% of oceans by 2030
Check out Brandon Espiritu's men's hygiene tips
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

Coah Miguel and Karelle, and Coach Paolo and Maria


Hindi umano napigilan ni Coach Paolo na maiyak nang ianunsyo ng kakambal na si Coach Miguel ang plano nitong pagpapakasal! Alamin dito kung bakit.

Taong 2023 nang ikasal ang isa sa mga Ben&Ben frontman na si Coach Miguel sa kaniyang girlfriend na si Karelle Bulan at ayon sa kakambal niya at kapwa The Voice Kids coach na si Coach Paolo ay naiyak pa ito noong unang ibalita ng kakambal ang plano nitong pagpapakasal.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, September 10, ibinahagi ni Paolo na passive-aggressive pa siya noong unang sabihin ni Miguel ang planong pagpapakasal.

“Nag-iyakan kami, pero nu'ng una, medyo passive-aggressive pa 'ko, 'Hindi, okay lang, okay lang,'” pagbabahagi ni Paolo.

Ikinuwento rin ni Miguel ang isang nakakatawang pagkakataon na naranasan nila ni Paolo. Aniya, matapos niyang ianunsyo na magpapakasal na siya ay laging tahimik lang ang kaniyang kakambal. Isang buwan matapos ang kaniyang balita, habang nag-aantay sa isang coffee shop, ay kinumpronta na niya umano si Paolo.

“Sabi ko, 'Ano bang problema mo? Sabihin mo na lang sa'kin.' Ta's sabi niya, 'Kasi...' ta's nag-iyakan na kami, nasa coffee shop kami nito, Tito Boy. Nag-iyakan na kami. Tapos may lumapit, 'Excuse me po, pwede po magpa-picture?'” kuwento ni Miguel.

Pagpapatuloy niya, “So kami, para kaming 'Sige.'”

TINGNAN ANG PRE-WEDDING PHOTOS NINA PAOLO AT MARIA SA GALLERY NA ITO:

Nitong January ay nag-propose na rin si Paolo sa kaniyang long-time girlfriend na si Maria Rachel. At dahil may dalawang taon nang kasal si Miguel, hiningan siya ng batikang host ng payo para kay Paolo.

Ang pangunahing payo ni Miguel sa kaniyang kakambal, huwag kalilimutan na nasa iisang team lang sila ng mapapangasawa nito.

Paliwanag ni Miguel, “Parang 'yun 'yung pinaka I would say 'yung buhay ng pag-aasawa, alam ng maraming tao 'yan, probably a lot more than I do since I've only been married for two years, but it's really the things that you face as a solo person, sa buhay na maraming pagsubok, ngayon dalawa na kayo e.”

Saad pa ng kalahati ng Ben&Ben frontman, ang mga pagsubok na pagdadaanan nila ay maaaring pagtibayin o biyakin ang relasyon nina Paolo at Maria.

“I always remind myself and we always talk about this, kaming mag-asawa, na lagi kaming magkakampi. Parang kahit pa parang imposible 'yung problema,” sabi ni Miguel.

Panoorin ang panayam kina Miguel at Paolo dito: