
Muling nilinaw ng aktres na si Coleen Garcia ang dahilan ng naging pagpayat ng kaniyang mister na si Billy Crawford.
Kuwento ni Coleen sa Fast Talk with Boy Abunda, maraming beses na nilang ipinaliwanag ang bagay na ito pero hindi pa rin natatapos ang mga tanong tungkol dito.
Aniya, “Actually kasi paulit-ulit na rin Tito Boy, parang we've adressed it so many times to the point na siyempre its nakakapikon for him [Billy Crawford] kasi how do you change the way you look 'di ba?”
Paliwanag ni Coleen, abala sa pagpe-perform ang asawa niya na si Billy sa France, na naging dahilan ng unti-unti nitong pagpayat.
“Whatever he looks like right now it's not an unhealthy thing,” ani Coleen.
Paglalahad niya, “I would say this, every month nasa France siya. Every single month pumupunta siya sa France and ang trabaho niya do'n hindi hosting, nagpe-perform talaga siya sa music festivals.
“Hindi lang nakakaabot dito dahil hindi kasi siya masyadong nagse-share sa social media. Pero he performs talaga almost every day na he's there in France [so] talagang papayat, talagang papayat siya.”
Ikinasal sina Coleen at Billy noong Abril 2018 sa Balesin. Biniyayaan sila ng anak na lalaki na si Amari noong 2020.
Samantala, mapapanood naman si Coleen Garcia sa pelikulang Playtime kasama sina Xian Lim, Sanya Lopez, at Faye Lorenzo.
Huli namang napanood si Billy Crawford sa GMA sa singing competition na The Voice Generations noong 2023.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The beautiful family of Billy Crawford and Coleen Garcia