GMA Logo Coleen Garcia and son Amari
Celebrity Life

Coleen Garcia talks about her struggles on delivering her placenta

By Jansen Ramos
Published December 13, 2020 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Coleen Garcia and son Amari


Ayon sa latest vlog nina Coleen Garcia at Billy Crawford, nakatulong ang pag-inom ng aktres ng placenta smoothie para sa mabilis na paggaling ng kanyang katawan matapos manganak.

Ibinahagi ni Coleen Garcia sa kanilang latest YouTube channel ni Billy Crawford and home water birth experience nila.

Sa tulong ng kanyang OBGyne at dula, normal na naipanganak ni Coleen ang kanilang first baby ni Billy na si Amari noong September 10.

Aminado si Coleen na hindi naging madali ang pagsilang niya kay Amari sanhi ng kawalan ng pain killers. Aniya, nagka-vertigo pa siya bunsod ng pagod na dala ng kanyang labor at panganganak.

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)

Sambit niya, "I was so happy pero I was so tired. Siyempre, ramdam ko lahat. I didn't have any pain relievers, nothing."

Ginawa ni Coleen at Billy ang vlog para magbigay ng kaalaman tungkol sa inunan o placenta.

Marahil daw ay hindi alam ng ilan na kasing-hirap din ng panganganak ang pagde-deliver sa placenta.

Kuwento ni Coleen, isang oras ang hinintay niya bago lumabas ang kanyang placenta.

Ika niya, "They made me lay down na to deliver the placenta but it was taking so long and it's painful already.

"It was kind of uncomfortable and they just kind of pressed my stomach pero my body was telling me I had to be upright but I was laid down.

"I was scared kasi I have vertigo na, e, kasi I understand din naman na 'pag tatayo ako, they don't know baka mahulog pa ko.

"After like an hour na, I have to really stand.

"I really have to get up kasi I feel na it will help me."

Nakatulong daw ang pag-upo ni Coleen sa birthing chair para sa mabilis na paglabas ng kanyang placenta.

Bahagi ng aktres, "It came out so much faster than when I was upright. That goes to show na you really should listen to your body and again, listen to the people guiding you at the same time. It's a balance of that."

Sa kabila ng pinagdaanan, thankful si Coleen na nailabas niya nang matagumpay ang kanyang placenta.

Sa katunayan, napakinabangan pa niya ito. Ang placenta na inilabas ni Coleen ay ginawang smoothie na nakatulong sa mabilis na paggaling ng kanyang katawan matapos manganak. In-encapsulate din ang ibang parte nito ng kanyang dula na kanyang iniinom once a day.

Sabi ni Coleen, "It is gross, but I feel like na it had good effect on me."

Sinang-ayunan naman siya ng kanyang mister na si Billy. Sabi ng TV host, "It gave her energy and heals her quicker. It also gives her good nutrients."

Ang ilang bahagi ng placenta ay kinorte para gawing fancy jewelry bilang memorabilia sa kapanganakan ng kanilang anak.

Panoorin ang buong vlog dito:

Maari mo ring silipin sa gallery na ito ang mga unang larawan ni Baby Amari kasama ang mga magulang nito na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.