What's Hot

Comedian Ariel Villasanta dedicates upcoming movie to struggling artists

By Nherz Almo
Published October 23, 2019 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Police battalion in Basilan relieved from post over alleged hazing
Rainfall warning up over Visayas, Palawan due to shear line

Article Inside Page


Showbiz News



What happened to comedy duo Ariel and Maverick? Find out here:

Muling susubukan ni Ariel Villasanta ng comedy duo na Ariel and Maverick na pasukin ang mundo ng showbiz.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng hindi natapos na reality movie ng partner niyang si Maverick Relova, ang Kings of Reality Shows.

“Ang istorya po nito is about a struggling artist, ako 'yun, na ginawa ang lahat para mabuo ang pelikula at maipalabas sa inyo,” sabi ng komedyante sa ginanap na press conference ng Kings of Reality Shows kanina, October 22.

Ayon kay Maverick, iba't ibang personalidad ang kanyang nilapitan para makalikom ng sapat na pondo upang mabili ang rights ng hindi natapos na pelikula at mabuo ito.

Kuwento pa niya, “Maniwala kayo, dito sa pelikulang ito makikitang kapag ang isang tao pala ang nangangailangan… Una, chika-chika ninyo.

“Ewan ko lang kung na-experience n'yo na, chika-chika n'yo, pero kapag nangangailangan ka na, para ka nang may sakit minsan.

"Na-experience ko 'yun dito. Akala ko chums ko, pero kapag nangailangan ka ng pera, talagang maiiba talaga.

“Dati, okay kayo, tawanan. Pero kapag nangailangan ka na pala, para kang may sakit.

“Kaya marami akong napulot [na aral] sa pelikulang ito, natutuwa ako.”

Para kay Maverick, mabuti na rin ang muli siyang sumubok kaysa dalhin ang pagsisisi sa kanyang pagtanda.

Aniya, “Kung anuman ang kahinatnan nito, nagpapasalamat pa rin ako kasi sa lahat ng ayaw ko, 'yung regret, e.

“Ayaw kong dumating ang araw na nasa wheelchair na ako, sasabihin ko na bakit di ko sinubukan, 'di ako lumaban.

“Ito, ano't anuman ang mangyari dito, maligaya na ako.”

Pabirong hirit pa niya, “Pero sana naman tangkilikin ninyo ito, dahil kung hindi, baka sa tent n'yo na lang ako bisitahin.”

'Nasaan si Maverick?'

Samantala, kapansin-pansin sa movie poster ng Kings of Reality Shows na mas prominente ang kanyang larawan kumpara sa larawan ng kanyang dating partner na si Maverick.

At dahil solo siyang nagpo-promote ng pelikula, naging tanong din ng entertainment media, “Nasaan na si Maverick?”

Tila paiwas na sinagot ito ni Ariel, “Medyo nasaktan siya, e. Nasaktan siya sa nangyari sa amin.”

Ang tinutukoy ni Ariel ay ang mga proyektong plano sana nilang gawin.

Patuloy niya, “So, 'yung partner ko… Kasi ako, may day job ako. 'Yung partner ko, talagang wala.

“Siyempre, minsan kapag nag-aartista, minsan nag-iiba ang lifestyle hanggang sa medyo… Nakastan siya.

“It's either nag-business na lang siya or nag-drugs na lang siya.

“Hindi ho nag-drugs si Maverick.

“Puwedeng na-depress, puwedeng lumayo na lang, lumayo na lang sa ating lahat, puwedeng naging ispiritwal.

“Sa totoo lang, talagang hindi ko masabi kung nasaan na siya ngayon.

“Pero 'yung istorya niyan, makikita ninyo sa pelikulang ito.”

Kaugnay nito, tinanong si Ariel kung bumalik na rin sa bansa ang kanyang dating partner.

Matatandaan na nagtungo ang dalawa sa Amerika para subuking pasukin ang Hollywood.

Paiwas pa ring sagot ni Ariel, “Alam ko bumalik [galing States], pero wala akong balita, ni-Facebook o ano, wala.

“Talagang lumayo siya, lumayo siya sa amin ni Keempee, hindi siya sumasagot sa text, as in lumayo siya.”

Ayon kay Ariel, nakausap naman daw niya ang asawa ni Maverick para ipaalam ang tungkol sa pelikula.

Sa huli, hiningan ng mensahe si Ariel para sa kanyang dating comedy partner na si Maverick.

Aniya, “Sana kung anuman 'yung nangyari, kung anuman ang naudlot, sana 'yung pagkakaibigan nandiyan pa rin.

“Alam n'yo, itong lahat ng ito, lilipas 'to. Kung anuman 'tong materyal na 'to, nasa limelight ka, lahat 'yan, lilipas 'yan.

“Pero sana 'yung pagkakaibigan nandiyan pa rin.”