What's Hot

Comedian/host Betong Sumaya pinayuhan ang kaibigan na si Alden Richards na alagaan ang kanyang health

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



"Kung magpapahinga man siya, siguro i-take niya 'yung opportunity habang bumibiyahe, tulog talaga, tapos siyempre vitamins importante."
BY AEDRIANNE ACAR
 
Isa ngayon sa may pinakabusy schedule sa mga pool of talents ng GMA Artist Center ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
 
 

A photo posted by Alberto "Betong" S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on

Matapos sumikat ang team-up nila ni Maine Mendoza sa sikat na kalye-serye ng 'Eat Bulaga,' sunod-sunod na ang mga commercial shoot, out-of-town trips, film project, at album tour ng binatang aktor.
 
Minarapat tuloy naming tanungin ang kaibigan at kapwa GMA Artist Center talent niya na si Betong Sumaya, kung ano-ano ang maipapayo nito sa Kapuso hunk para maalagaan ang kanyang health.
 
Isa din kasi si Betong sa pinaka-visible na artista ng Kapuso Network, dahil in demand siya sa mga GMA Pinoy TV shows sa abroad.
 
Bubble Gang: AlBad spoofs AlDub's hit fast food commercial
 
Bubble Gang: Ang pagdating ni Lolo Nidoro sa Istambay-serye
 
Saad ng Bubble Gang comedian, "Actually, tama nga 'yung sinasabing parang strike while the iron is hot. Pero sa sitwasyon kasi ni Alden, parang hindi lang strike eh, hindi ko alam kung ano mas matindi  sa strike ang nangyari sa kanya."
 
"Pero siyempre kailangan pa rin talaga, kahit gaano tayo ka-busy talaga, kailangan talaga pangalagaan din natin 'yung [health]."
 
Pahinga and vitamins pa more!
 
Ayon kay Betong, kung kaya ni Alden subukan daw talaga niya makakuha ng enough sleep at siyempre exercise.
Mabuti din daw ayon sa komedyante na uminom ng vitamins pampalakas sa katawan.
 
"Kung magpapahinga man siya, siguro i-take niya 'yung opportunity habang bumibiyahe, tulog talaga, tapos siyempre vitamins importante. Pero alam ko si Alden kasi ano din siya health buff din,"
 
"Pero ‘yun nga talagang kung may pagkakataon kasi ibang klase 'yung, iba 'yung power nap eh."