What's Hot

Comedienne Denise Barbacena natakot daw i-spoof si Yaya Dub?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 28, 2020 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Umamin ang 'Bubble Gang' mainstay na si Denise Barbacena na malaki daw pressure i-spoof ang Kalye-serye star na si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub.
By AEDRIANNE ACAR
 
Umamin ang 'Bubble Gang' mainstay na si Denise Barbacena na malaki daw pressure i-spoof ang Kalye-serye star na si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub.
 
Sa exclusive interview ni Denise sa GMANetwork.com, wala daw siyang kaalam-alam na siya pala ang napiling na gumanap na Badel o Yaya Bad sa Istambay-serye.
 
 

Close enough! #IstambaySerye #bgalbadlolonidoro

A photo posted by Juancho Trivino (@juanchotrivino) on


LOOK: Bubble Gang: Ang pagdating ni Lolo Nidoro sa Istambay-serye 

READ: 'Bubble Gang': Nagkabalikan na ang AlBad sa Istambay-serye?
 
LOOK: Celebrity fans of AlDub
 
Kuwento ng Kapuso comedienne, “I have no idea mayroong ganung segment na gagawin kasi beforehand parang hindi ako ‘yung naka-cast yata dun eh… nung i-te-take na ‘yung Istambay- sinabi nila ‘Oh i-suot mo ito magtali ka ng parang si Yaya Dub kasi ikaw na ‘yung sa Istambay-serye.”
 
Medyo nag-doubt daw sa sarili si Denise na gumanap sa role ni Yaya Bad dahil wala pa daw siyang experience in terms of impersonation.
 
“Kinabahan ako siyempre, ‘ala talagang pinawisan ako, kasi ‘yung concern ko, una siyempre for 'Bubble Gang,' kailangan kapag binigyan tayo ng project or opportunity, kailang we give our best, and siyempre ‘yung impersonation parang ibang [level]  ‘yun eh.”
 
Thankful sa AlDub Nation
 
Nakadagdag din sa kaba niya na baka hindi magustuhan ng AlDub Nation ang gagawin nila ni Juancho Trivino na pag-impersonate kay Alden Richards at Maine Mendoza.
 
“Yung fear ko nung una, shucks baka mag-trend nga tayo pero baka i-bash tayo.”
 
Nakahinga na lang daw siya ng maluwag ng malaman niya na very positive ang pagtanggap ng mga fans ng AlDub.
 
“Nakakatuwa naman ‘yung supporters ng AlDub Nation na, alam mo ‘yun, positive sila, ‘yung masaya lang sila, parang positive ‘yung pagtanggap nila.”
 
“Thankful na happy sa AlDub Nation and sa followers ng Kalye-serye na hindi nila nakita parang mockery lang siya, kumbaga parang sa kanila flattery ‘yung dating.”