GMA Logo Kiko en Lala
What's Hot

Comedy film na 'Kiko en Lala,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

Published August 11, 2024 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Kiko en Lala


Kabilang ang 'Kiko en Lala' na pinagbibidahan ng TBATS host na si Tekla sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Ang komedyanteng si Tekla na ang bahala sa good vibes natin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Mapapanood kasi dito ang kanyang first starring film na Kiko en Lala.

Tampok si Tekla sa dual roles bilang kambal tuko o conjoined twins na si Kiko at Lala. Nagtratrabaho silang dalawa sa isang karnabal.

Ang tanging hiling lang nila sa buhay ay magkahiwalay sila para makasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Nais ni Kiko na makasama na ang nobyang si Aning (Kim Domingo), habang gusto namang lalong makilala ni Lala ang guwapong si Rap-rap (Derrick Monasterio).

Bibigyan sila ng pambihirang pagkakataon ni Deadline (Aiai Delas Alas), isang fairy godmother. Sa tulong ni Deadline, maaari silang maghiwalay pero isa lang sa kanila ang maaaring mabuhay.

Ano ang pipiliin ng kambal?

Tampok din sa pelikula sina Kiray Celis, Divine Tetay, at Jo Berry.

Panoorin ang launching film ni Tekla na Kiko en Lala, August 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Masusubukan naman ang pagkakaibigan ng isang grupo ng kababaihan sa Mga Mumunting Lihim mula sa writer-director na si Jose Javier Reyes.

Tampok sa pelikulang ito sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro, at Janice de Belen.

Isang diary ng namayapang kaibigan ang uungkat at magbubunyag sa ilang sikretong pilit nilang itinatago mula sa isa't isa.

Abangan ang Mga Mumunting Lihim, August 15, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.