
Sama-sama tayong tumawa sa comedy films na hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Nagsama-sama ang mga sosyaling Kapuso actresses sa Pinoy comedy film na Sosy Problems.
Tampok dito sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Bianca King bilang apat na sosyalera.
Si Heart ay si Claudia, anak ng isang beauty queen. Half sister niya si Margaux, played by Solenn, na anak din ng isa pang beauty queen.
Si Rhian naman ay si Lizzie, ang spoiled na anak ng isang hotelier, habang si Bianca ay si Danielle, anak ng politikong malapit nang ma-impeach.
Mamomroblema ang apat nang malaman nilang gigibain ang Polo Club, ang paborito nilang tambayan, at papalitan ito ng isang mall na sa palagay nila ay hindi "sosy" o sosyal.
Ano ang gagawin ng apat para pigilan ang pagkawala ng kanilang Polo Club?
Abangan 'yan sa Sosy Problems, September 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na pinagbidahan ni actor comedian Vhong Navarro.
Muling gaganap si Vhong sa pelikula bilang ang albularyong si Mang Kepweng. Gamit ang kanyang mahiwagang bandana, patuloy na nanggagamot ng iba't ibang mga karamdaman si Mang Kepweng.
Pero biglang hihina ang bisa ng kanyang bandana. Paano niya maibabalik ang dating kapangyarihan nito?
Panoorin ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, September 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.