
Nangunguna ang pelikulang kinabibilangan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang Fantastica, sa Metro Manila Film Festival 2018 box office.
Kasunod nito ang pelikulang kinabibilangan nina Vic Sotto at Maine Mendoza, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
READ: Pelikula nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Dingdong Dantes sa MMFF, trending sa Twitter!
Ito ang pahayag ni MMFF Spokesperson Noel Ferrer sa panayam niya sa radyo kahapon, December 26.
Bagamat malaki ang kinikita ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2018, umaasa ang pamunuan ng annual film festival na maging pantay-pantay ang distribusyon nito sa lahat ng pelikula.
Ani Ferrer, “Sana evenly distributed ang kita kasi ang pangit naman na ang laki-laki nang kinikita nila tapos yung iba nahuhuli.”
Umaasa siya na magbabago pa ito pagkatapos ng Gabi ng Parangal, na gaganapin ngayong gabi, December 27.
Paliwanag ni Ferrer, “Normally, nag-iiba ang ranking after the awards night kasi sasabihin ng mga tao, 'Ay kailangan din nating mapanood yung mga binigyan ng mga parangal.'”
Bukod sa Fantastica at Jack Em Popoy, kabilang din sa MMFF 2018 ang mga pelikulang Aurora; Girl in the Orange Dress; Mary, Marry Me; One Great Love; Otlum; at Rainbow Sunset.
Mapapanood ang mga pelikulang ito sa sinehan hanggang January 7, 2019.