
Isang makabuluhang TV project ang malapit nang ilunsad ng GMA Network na tatalakay sa mga pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon patungkol sa kanilang mental health.
Matatandaan na noong 2022 nabigyan ng grant ang Kapuso Network ng ng National Council for Children's Television o NCCT na makapag-produce ng mini-anthology series, ang grant ay kauna-unahan sa kasaysayan ng GMA.
Sa pangunguna ng GMA Entertainment Group at sa pakikipagtulungan ng NCCT malapit nang mapapanood ang serye na 'Ok Ako,' kung saan tampok ang ilan sa pinakamahuhusay at promising talents ng GMA-7 at Sparkle GMA Artist Center.
Para sa latest updates at exclusive content tungkol sa advocacy drama series na Ok Ako, bisitahin lang ang GMANetwork.com o i-follow ang official social media pages ng GMA-7!