GMA Logo Miguel Tanfelix and Bianca Umali in Kambal Karibal
What's on TV

Commitment contract nina Crisan at Diego sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published May 26, 2020 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

FFCCCII: 8% annual economic growth key to PH transformation
Landfill operator condoles with families of victims in statement
Megan Young and Mikael Daez mark first trip with son Leon

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Bianca Umali in Kambal Karibal


Sa episode 46 ng 'Kambal, Karibal,' napagkasundun nina Crisan at Diego na sila ang magkakatuluyan sa tamang panahon.

Siguradung-sigurado si Diego (Miguel Tanfelix) sa kanyang nararamdaman para kay Crisan (Bianca Umali) kaya ginawan niya ito ng commitment contract.

Mayroon silang pagkakaunawaan ngunit hindi pa handa ang dalagang pumasok sa isang relasyon hangga't hindi pa siya tapos sa pag-aaral.

Gayunpaman, napagkasunduan nina Diego at Crisan na sila ang magkakatuluyan sa tamang panahon.

Balikan ang nakakakilig na eksenang 'yan sa episode 46 ng Kambal, Karibal:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong COVID-19 quarantine period.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.