GMA Logo Community Pantry, Women for the Earth on Family Feud
What's on TV

Community Pantry Founder, Miss Earth winners celebrate International Women's Day on 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published March 8, 2024 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Community Pantry, Women for the Earth on Family Feud


Makikiisa ang Family Feud sa International Women's Day celebration.

Ngayong Biyernes, March 8, sa selebrasyon ng International Women's Day, ipinagmamalaki ng Family Feud Philippines ang dalawang teams na pinamumunuan ng mga kahanga-hangang kababaihan na may inspiring advocacies. Ito ang Community Pantry at Women For the Earth.

Sa kanilang game ngayong araw sila ay magkalaban, pero sa pagsusulong ng karapatan at mga adhikaing pangkababaihan, sila ay magkakampi.

Si Ana Patricia Non, o mas nakilala bilang Patreng, ang founder ng Community Pantry. Sila ang grupo ng kababaihan na nagsimula ng isang movement noong pandemya at namahagi ng libreng pagkain sa mga kababayan sa Maginhawa, Quezon City. Kalaunan ay ginawa na rin ito sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.

Kasama ni Patreng ang mga volunteers ng Community Pantry na sina Ella Marie Orito, Arlene Maducdoc, at Kay Ann Tongol.

Ngayong tapos na ang pandemya, paano na nag-evolve ang Community Pantry?

“Masaya kami na [bumalik] na ang mga tao sa trabaho pero ang taas kasi ng bilihin tapos ang farmers natin, nalulugi pa rin. So ang focus namin ngayon ay pag-rescue sa mga gulay. Imbes na mabulok, dapat may mapuntahang communities, jeepney drivers, homeless, orphanage and even 'yung mga city jails natin. Kasi naniniwala kami sa pantry na lahat tayo, deserve natin ng masarap ng ulam at masarap na pagkain,” paliwanag ni Patreng.

Katapat nila ang Women For the Earth, na composed of beauty queens at past winners ng Miss Earth franchise, na may kanya-kanyang isinusulong na environment-related and sustainability projects.

Maglalaro para sa Women For the Earth ay sina Miss Earth Water 2006 Cathy Untalan na isa nang consultant ngayon sa Miss Earth Foundation; Miss Earth 2017 Karen Ibasco; Miss Philippines Earth 2013 Angelee De Los Reyes, at Miss Philippines Eco-tourism 2021 Sofia Lopez.

Tuwing March 8 ay ipinagdiriwang ang International Women's Day o Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan.

Abangan ang tapatan ng team Community Pantry at team Women For the Earth mamaya sa Family Feud.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.

Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.