GMA Logo ana patricia non
What's Hot

Community pantry organizer Ana Patricia Non, tampok sa 'Year of the Supherhero'

By Jansen Ramos
Published December 30, 2021 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ana patricia non


Balikan ang kuwento ni Ana Patricia Non na isa mga itinuturing na modern-day heroes ngayong 2021 sa GMA News and Public Affairs year-end special na 'Year of the Superhero.'

"Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailan"

Isa lang ang katagang ito na tumatak sa mga Pilipino ngayong 2021.

Ito ay nagmula kay Ana Patricia "Patreng" Non, ang nagpasimula ng community pantry sa Maginhawa, Quezon City sa kasagsagan ng surge ng COVID-19 sa bansa. Ang pantry na inorganisa niya ay mapagkukunan ng pagkain at iba pang essential needs ng sino mang may kailangan.

Ang simpleng kawang-gawa ni Patreng ay naging paraan niya para makatulong sa kanyang kapwa. Dahil sa kanyang inisiyatibo, marami ang na-engganyong sumunod sa kanyang proyekto na nagsilbi ring ilaw ng pag-asa, bayanihan, at pagkakaisa ng komunidad.

Balikan kung paano sinimulan ni Patreng ang community pantry at ano nga ba ang nag-udyok sa kanya na mag-set up ng ganitong proyekto sa GMA News and Public Affairs year-end special na Year of the Superhero sa pangunguna ng Kapuso Power Couple Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mapapanood iyan ngayong January 1, 2022, 7:15 PM sa GMA