
Unforgettable para sa marami ang naganap na Dear Heart: The Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Mall of Asia Arena noong October 27. Ngunit naging malaking issue nito ay ang hindi umano pagnood ng Pangilinan family.
Sa article ng Pep.ph, inamin umano ni Sharon sa presscon ng kanilang concert noong September 15 na wala sa plano ng asawa niyang si Kiko Pangilinan at ng mga anak nilang sina Frankie, Miel, at Miguel, na panoorin ang concert nila ni Gabby.
Ayon pa sa kanya ay ayaw niyang masaktan ang mga ito at mailang sila ni Gabby sa concert.
Sa isang Instagram post, nilinaw naman ni Sharon na may basbas ng kanyang pamilya ang naging concert nila ni Gabby, at sinabing sila pa ang unang nagbigay ng kanilang congratulations sa kanya.
“Never ko sana nagawa ang shows namin ni Gabby without my husband and kids' approval. They were the first to congratulate me after MOA!” sabi nito.
Dagdag pa ng Megastar, “Malawak kasi isip ng pamilya namin sorry naman! Proud sila of me!”
Samantala, sa kanyang sariling Instagram post ay ibinahagi ni Kiko ang isang larawan nila ni Sharon na magkayakap “kapag natapos na ang oras sa trabaho” isang araw matapos ang concert.
BALIKAN ANG HEAD-TURNING THROWBACK PHOTOS NI SHARON SA GALLERY NA ITO:
Sa Instagram post ni Sharon, ibinahagi niya na nagdiwang sila ng 14th birthday ni Miguel noong October 29, at sinabing na-miss nila ang mga kapatid nitong sina Frankie, na kilala din bilang si Kakie, at si KC.
Dito, ibinahagi ni Sharon na tina-target din ng trolls ang kanilang mga anak at family members, at nagbigay ng mensahe para sa mga ito.
“To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don't deserve any negativity. Thank you,” sabi nito.
Hiniling din ni Sharon na huwag nang pag-awayin o pagsabungin ang kanyang mga anak dahil “'di naman sila mga manok. Ngek. Peace na please.”
Inamin din ni Sharon na nahihiya siya sa mga anak niya na nadadamay sila dahil lang nanay siya ng mga ito, at sinabing alam din niya na kailangan niyang hatiin ang kanyang sarili sa dalawang pamilya.