What's on TV

Coney Reyes, inaming nahirapan sa lock-in taping ng 'Love Of My Life'

By Jansen Ramos
Published January 20, 2021 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Mavs' Cooper Flagg to face college foe, Warriors on Christmas
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Coney Reyes Love Of My Life


"'Yung first two days ko sa lock-in, parang gusto ko na umuwi." Bakit nasabi ito ng 'Love Of My Life' star na si Coney Reyes? Alamin DITO:

Patuloy na kinagigiliwan ng mga manonood ang GMA primetime series na Love Of My Life kahit pa ilang buwan itong nawala sa ere.

Noong Lunes, January 18 nagsimula ang pagpapalabas ng fresh episodes ng serye matapos ang 15 araw na refresher nang magbalik ito telebisyon.

Ayon sa bidang si Coney Reyes, marami raw kasi ang nakaka-relate sa kwento ng Love Of My Life na totoong nangyayari sa tunay na buhay.

A post shared by Coney Reyes (@coneyreyes)

"Lahat ng pamilya, may problema, iba-ibang klaseng problema, pagkakagulo, pag-aawayan. Ang bottom line, if you love one another, your love will never fail," sambit ni Coney sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Masaya ang batikang aktres na naitawid nila nang matiwasay ang lock-in taping ng Love Of My Life sa gitna ng COVID-19 pandemic..

Aniya, nahirapan siyang mag-adjust sa 'new normal' taping.

A post shared by Coney Reyes (@coneyreyes)

A post shared by Coney Reyes (@coneyreyes)

"'Yung first two days ko sa lock-in, parang gusto ko na umuwi. Parang napraning ako kasi feeling ko meron akong protocols na nakakalimutang gawin.

"Sabi ko, 'nako kulang yata ako ng dala.' Kasi sila parang dala na nila 'yung buong bahay, may lutuan pero no'ng [pangalawang cycle ng lock-in taping,] nagdala na rin ako," bahagi niya.

Gayunpaman, nakatulong daw ang lock-in taping para mas naging close at maka-bonding din niya ang kanyang mga co-stars kaya mas naging magaan daw ang kanilang trabaho kahit pa mabibigat ang kanilang mga eksena.

At, siyempre, lahat daw ng kanyang ginagawa ay sinasamahan niya ng dasal.

"Humihingi ako ng tulong sa Diyos sa pagme-memorize ng lines, humihingi ako ng tulong sa Diyos para mabigay ko 'yung right emotions, kung kailangan umiyak, kung kailangan magalit, kung kailangan deadma siya, kung kailangan masungit siya," ika ni Coney.

Samantala, kung curious kayo sa kanilang lock-in taping setup, tingnan ang gallery na ito:

Unang umere sa telebisyon ang Love Of My Life noong Pebrero. Matapos ang isang buwan, nahinto ang pagpapalabas ng serye dahil natigil ang produksyon nito sanhi ng enhanced community quarantine.

December 28 nang magbalik ang serye sa telebisyon. Bilang refresher, muling ipinalabas ang mga dating episodes nito sa loob ng 15 araw.

Mapapanood ang all-new episodes ng Love of My Life Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng serye, maaaring mapanood ang Love Of My Life at ibang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Maliban kay Coney, ang Love Of My Life ay pinagbibidahan din nina Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez.

Iniderehe naman ito ni Don Michael Perez.