
Tiyak na ramdam na ang Kapaskuhan ngayong taon lalo na't napapanood na ang GMA Christmas Station ID 2023 na may pamagat na #FeelingBlessedNgayongPasko.
Iba't ibang mga artista at personalidad ang naging bahagi ng Christmas Station ID ng Kapuso network ngayong taon.
Kabilang na dito ay ang cast ng upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance na sina Ms. Coney Reyes, Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, at Roxie Smith.
Related content: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference
Sa naturang video, kitang-kita ang masasayang ngiti at bonding ng cast.
Bukod dito, ibinahagi rin ng GMA Network sa social media ang nakatutuwang behind the scenes video, kung saan tinuturuan ng young stars ng Shining Inheritance si Coney Reyes na mag-TikTok.
Kabilang din sa cast ng Shining Inheritance sina Paul Salas, Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Panoorin ang GMA Christmas Station ID 2023 sa video sa ibaba.