
Isang heartwarming na pagbibigay-pugay ang natanggap ng beteranang aktres na si Coney Reyes nitong Linggo (May 12) mula sa All-Out Sundays barkada at kanyang Shining Inheritance co-stars sa selebrasyon ng kanyang 50th showbiz anniversary.
Related gallery: Coney Reyes celebrates 50th year in showbiz on 'All-Out Sundays'
Nakatanggap din ng special messages si Coney mula sa kanyang mga anak at apo bilang pagdiriwang ng Mother's Day.
Sa video na inilabas ng All-Out Sundays sa social media, nagbahagi ng payo ang renowned star para sa bagong henerasyon ng mga artista.
“Mahalin n'yo 'yung trabaho n'yo, hindi puro laro. Okay maglaro, okay mag-enjoy kasi part 'yan, dapat nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo,” aniya.
Dagdag pa niya, “Dapat mahalin kasi 'yung trabaho, seryosohin. Learn your craft.”
Ayon pa kay Coney, dapat ay patuloy ang pag-i-improve pagdating sa trabaho bilang artista.
Patuloy pa niya, “Dapat nakikisama kayo sa lahat ng mga kasama n'yo. From the utility, all to the producers, everyone. Ako, mahal na mahal ko ang production staff, mahal na mahal ko ang production crew, at sana nararamdaman nila 'yon kahit papaano kapag nagtatrabaho ako.
“And, of course, I love my co-actors. Respect not just the famous ones, not just the popular big time names. Respect everyone that you're working with because everyone is putting in something.”
Abangan ang upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance, soon sa GMA.