
Mapapanood na sa GMA ang kaabang-abang na Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance simula September 9.
Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Kyline Alcantara at Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Ms. Coney Reyes, na muling nagbabalik sa Afternoon Prime.
Bukod sa nalalapit na pag-ere ng naturang serye, ipinagdiriwang ni Coney ngayong taon ang kanyang 50th year sa entertainment industry, partikular noong Mayo.
Related gallery: Coney Reyes celebrates 50th year in showbiz on 'All-Out Sundays'
Sa naganap na media conference ng Shining Inheritance, ibinahagi ng veteran star kung ano ang kanyang “shining moments" bilang aktres.
“Ang hirap, ang dami kasi 50 years eh, sobrang dami. Wala ako talagang ma-point out na specific e... but I guess what's in my heart is that ang pinaka-shining moment ko talaga siguro na hanggang ngayon nandito pa ako,” sagot niya.
Labis din ang pasasalamat ni Coney sa Panginoon dahil sa ibinigay sa kanyang talento.
Aniya, “For those who are familiar with what I do, what I have done in my career, I'm just so blessed. I feel so grateful that God has allowed me to use what He has given me, what talent He has given me, until now that I'm 71 years old. I just feel so grateful, thankful, blessed. Glory to God talaga sa lahat ng ginawa niya sa career ko.”
Ayon pa kay Coney, na-excite siyang gampanan ang role bilang Aurea De La Costa dahil challenging role ito para sa kanya.
Sa Shining Inheritance, mayroong special participation ang batikang aktor na si Ariel Rivera.
Kabilang din sa stellar cast ng serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.