
Isa sa mga kaabang-abang na programa ng GMA ngayong 2024 ay ang upcoming Philippine adaptation ng hit Korean series na Shining Inheritance.
Related content: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference
Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Sa Instagram, ibinahagi ng veteran actress ang ilang behind the scenes photos kasama ang kanyang co-stars sa taping kanilang serye. Makikita rito ang pagiging malapit ng cast sa isa't isa.
“#ShiningInheritance Soon on GMA,” sulat niya sa caption.
Ibinahagi rin ni Michael sa Instagram ang ilang larawan kasama ang batikang aktres at sinulat sa caption, “lola aruea n euan.”
Kabilang din sa cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.