
Ano kaya ang mga paghahandang ginagawa ng "Pantasya ng Bayan?"
Kinumpirma ng Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo na rarampa siya sa 100 Sexiest Women of the World victory party ng FHM ngayong July. Nasungkit ni Kim ang ninth spot sa prestihiyosong listahan.
IN PHOTOS: 10 hottest Filipinas you've got to see
Ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend, hindi na daw nagdalawang isip si Kim at agad na tinanggap ang imbitasyon ng FHM. Matagal na daw kasi niyang pangarap ang rumampa at tanghaling isa sa sexiest Pinays.
"As a first timer, number nine agad ang spot ko sa FHM, so thank you! Sobrang thank you sa inyo."
Puspusan na rin daw ang kanyang paghahanda para hindi mabigo ang mga manonood.
"Tinanggal ko 'yung paborito ko, 'yung rice (laughs). No rice, tapos medyo bawas din ng pagkain. Fish, gulay, tapos workout."
Pagdating naman sa kanyang susuotin, ito ang nasabi ng Juan Happy Love Story actress. "Ngayon kasi parang gown, naka-gown kami. Pero may skin pa rin talaga."
MORE ON KIM DOMINGO:
MUST-SEE: 'Mamboboso' video of Kim Domingo tops 1M views