What's on TV

Connie Sison, inaming mas matindi ang laban sa misinformation at disinformation

By Kristian Eric Javier
Published April 7, 2026 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What are the astronauts aboard Artemis II eating? NASA shares 'menu of the day'
LRT-2 is offering free rides onAraw ng Kagitingan
Davao City forms task force to address socioeconomic crisis

Article Inside Page


Showbiz News

connie sison


Patuloy lang daw si Connie Sison ang pagbabalita ng katotohanan sa kabila ng matinding misinformation at disinformation.

Sa panahong mas lumaganap ang misinformation at disinformation, aminado ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison na nagiging mas mahirap na ang maging isang news reporter.

“In a society as divided as ours, parang talagang gustuhin mong mamulat sana. Lalo na sa dami ng disinformation, misinformation ngayon, lalabanan ho namin 'yan dito sa mainstream media. Pero talagang minsan, natatabunan kami dahil sa dami rin ng nagpapakalat ng maling information,” pagbabahagi ni Connie sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, April 6, kasama ang pamangkin niyang si Martin del Rosario.

Para kay Connie, bilang reporter, hindi sila titigil na labanan ang paglaganap ng maling impormasyon at patuloy na ibabahagi ang totoong balita. Pero inamin din ng batikang reporter na nalulungkot siya para sa bansa.

“More than any other time I think in my 30 years in the industry, Tito Boy, ito 'yung time na nalulungkot ako para sa ating bansa dahil napaka divided natin as a nation,” sabi ni Connie.

Sa katunayan, pagbabahagi ni Connie, maging ang co-hosts niyang doktor sa programang Pinoy MDay nalulungkutan sa dami ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan na kumakalat.

BALIKAN ANG 2022 THANKSGIVING GALA NG GMA KUNG SAAN RUMAMPA ANG DZBB REPORTERS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, proud ang pamangkin ni Connie na si Martin sa lahat ng achievements na nakuha ng kanyang tiyahin sa kaniyang karera.

“Napapanood ko si Tita Connie, nakita ko 'yung growth niya, 'yung mga achievements niya, so I guess lahat ng narating ni Tita Connie, deserve niya talaga kasi sobrang hardworking niya,” sabi ni Martin.

Panoorin ang panayam kina Connie at Martin sa video sa itaas.