
Talaga namang patok na patok sa maraming Pinoy netizens ang mga latest content ni Chrish Ann na mas kilala bilang si Forda Ferson.
Invested ang netizens at followers sa updates ni Forda tungkol kay Paul “Leon” Sew Hee, ang Aussie Boy na nakilala niya sa pamamagitan ng boyfriend-for-hire service no'ng magtravel siya sa Japan kamakailan.
Humakot ng million views at kinakiligan ang latest videos na inupload ng dalawa tungkol sa muli nilang pagkikita na inabangan ng marami.
Mapapanood dito ang sweet at makulit nilang buhat moments nung nagkita na sila sa isa sa mga airport sa Pilipinas.
Makikita rito na very supportive ang mga Pinoy na nakasaksi sa muling pagkikita nina Forda at Leon.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 39.3 million views at mahigit 71,000 shares ang video nila sa Facebook.
Sa hiwalay na content, unang inilahad ni Forda na bibisita si Leon sa Pinas para ma-meet at maka-bonding ang kanyang pamilya.
Kaabang-abang ang susunod na updates tungkol sa kanilang dalawa at sa kanilang status sa next vlogs ni Forda.
Samantala, si Forda ang isa sa content creators sa bansa na mayroon nang million followers sa Facebook, TikTok, Instagram, at iba pang social media platforms.
RELATED CONTENT: TikTok creators na may milyon-milyong followers online