
Nakauwi na mula ospital ang viral content creator na si Jico Umali, o mas kilala online bilang "JiConyo," matapos ma-stroke.
Naging bedridden ang 28-year-old social media personality matapos ang medical emergency. "Had a stroke and almost died," sulat niya sa isang bahagi ng kanyang Instagram post noong August 1.
Ayon kay Jico, nawalan ng pakiramdam ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan, partikular na ang kanyang braso at binti. Lumabo rin ang paningin ng kanyang kaliwang mata.
Sa kabila nito, labis ang kanyang pasasalamat dahil binigyan siya ng second chance na mabuhay. Aniya, "I am bound for 100% recovery. Carrying with me lessons that will change my life for the better… Thank you for all your prayers, donations and well wishes. Your support has given me so much hope and strength. I will take you all with me as I recover from this. I love you all… sheeeeeesh!"
Kasalukuyang nagpapagaling si Jico, katulong ang mga malalapit sa kanya. Unti-unti na rin siyang nakakalakad at bumabalik sa normal ang kanyang katawan.
Nananatili ring positibo ang content creator matapos ang kanyang sinapit na life-threatening condition.
Sa hiwalay na video na ipinost niya sa Instagram noong August 2, mapapanood na kumakanta pa siya habang ina-assist ng kanyang ina. Sabi niya sa caption, "Day 6 since the stroke. Feeling much stronger. Nakakalakad na kahit papano, left hand still lacks control, left eye gaining more vision each day. Things are looking up. Thank u mom for helping me stay fresh and pogi… the dark days are definitely over now… we gucci babyyyyyyyy."
Nakilala si Jico sa kanyang mga kwelang skits tungkol sa pagiging "conyo" o salitang kalye na tumutukoy sa isang stereotype ng mga kabataang mayaman o galing sa alta-sosyedad na nagsasalita ng pinagsamang Tagalog at Ingles.
Si Jico rin ang nagpasikat ng linyang "Sheeeesh" bilang parte ng istilo ng kanyang komedya.
RELATED GALLERY: Here are other stories of other celebrities and social media personalities who had health concerns, and their road to recovery