GMA Logo Content creators Hellboy Gaming at Meong Lipbite
Soiurce: hellboygaming/FB & romeo.gulla.16/FB
What's Hot

Content creators Hellboy Gaming at Meong Lipbite, mapapanood sa upcoming GMA series na 'Kamao'

By Jansen Ramos
Published April 24, 2026 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

50-anyos na si Ina Raymundo, payag kayang gumawa pa ng sexy at daring films?
Davao region pinakataas ang ekonomiya | One Mindanao
Fun, flavor, at farm-fresh inspiration, mapapanood sa 'Farm to Table'

Article Inside Page


Showbiz News

Content creators Hellboy Gaming at Meong Lipbite


Magkakaroon ng appearance ang content creators na sina Hellboy Gaming (Mark Davidson Jacildo) at Meong Lipbite (Romeo Gulla) sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Kamao.'

Mapapanood ang social media personalities na sina Hellboy Gaming (Mark Davidson Jacildo) at Meong Lipbite (Romeo Gulla) sa upcoming GMA series na Kamao, na pagbibidahan ng Kapuso Action Heartthrob na si Anton Vinzon.

Kamakailan ay nagsimula na silang mag-taping para sa serye, na ipapalabas soon sa GMA Afternoon Prime.

Sa isang Facebook reel, ipinakita ni Hellboy ang behind-the-scenes ng kanilang appearance sa Kamao. Aniya, ito ang unang pagkakataon na nabigyan siya ng isang acting assignment.

Gaganap sina Hellboy at Meong bilang mga kaibigan ni Makmak, ang karakter ni Anton.

Ayon kay Hellboy, hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng ganitong klaseng TV project. Binansagan siyang "Hellboy" dahil sa kanyang kundisyon na macrodactyly, isang rare congenital deformity na naging sanhi para lumaki ang kanyang mga kamay nang sampung beses kaysa sa normal.

Ika niya, "For me na binigyan ng ganitong opportunity, sobrang nakakakaba pero at the same time exciting kasi panibagong milestone na naman 'to sa ganap ni Hellboy Gaming. Kumbaga 'di ko ma-imagine na magkakaroon ako ng ganitong opportunity. Kung nag-stay lang ako sa bahay na walang lakas ng loob na gawin yung mga gusto ko, 'di ko mararating 'to. So thank you pa rin sa lahat ng sumusuporta sa 'kin."


Samantala, bukod kina Hellboy at Meong, mapapanood din sa Kamao ang mga kapwa content creator nila na sina Abdul at Marsy na parte ng main cast ng serye.

Makakasama nila sa Kamao sina Bruce Roeland, Katrina Halili, Amy Austria, Neil Ryan Sese, Wendell Ramos, at ang ama ni Anton na si Roi Vinzon. Kabilang din sa upcoming family drama series sina Chanty Videla, Therese Malvar, at Matt Lozano.

RELATED FEATURE: Meet the emerging Pinoy content creators to watch for