Sino sa ventriloquist na si John Kim Belangel at contortionist na si Jason Ivan Sobremonte ang magiging bet sa kakaibang talento? Alamin sa 'Bet ng Bayan' ngayong gabi.
By AEDRIANNE ACAR
Mga Kapuso na taga-Luzon, itodo niyo na ang pagsuporta sa inyong mga bet dahil sa darating na Linggo ng gabi makikilala na kung sino sa mga bet sa sayawan, kakaibang talento at kantahan ang lalaban sa Grand Finale ng Bet ng Bayan.
Tonight, mamamangha kayo sa mga pride ng Tuba, Benguet at Virac, Catanduanes na maghaharap para makamit ang titulo na pinakamagaling sa di-pangkaraniwang talento.
Si John Kim Belangel mula Virac ay nanalo sa Regional Finals dahil sa husay niya sa pagiging ventriloquist at puppeteer. Ngayon, isa na siyang local celebrity.
Samantala ang makakalaban naman niya ay isang mining engineering student mula sa Benguet na si Jason Ivan Sobremonte. Nanalo si Jason matapos niyang mapabilib ang mga judges sa kanyang galing bilang isang contortionist.
Kilalanin niyo pa sila ngayong gabi sa Bet ng Bayan hosted by Alden Richards sa GMA Telebabad.