
May sagot sa Family Feud na kinaaliwan hindi lang ng studio audience kung hindi pati na rin ng netizens sa social media.
Ang video sa survey question na ito ay umabot na sa 1.3 million views sa YouTube dahil sa napapanahong sagot ng contestant ng Family Feud. Ayon sa survey question, "Kakaibiganin mo ang kapitbahay mo kapag nalaman mo na ang trabaho o propesyon niya ay ano?"
Ang unang nakasagot ay ang content creator na si Chichi De La Cruz. Saad nya sa Family Feud, "contractor."
Nagkapalakpakan at sigawan ng "good answer" naman sa Family Feud studio. Kuwento ng host na si Dingdong Dantes, "Alam ninyo, tatlong taon na po ang 'Family Feud', ngayon ko lang nakitang sumang-ayon ang studio audience."
Tanong pa ni Dingdong, "Bakit kaya? Ano'ng benepisyo ang makukuha mo kapag ang kapitbahay mo ay contractor?"
Biro ni Chichi, "Kuya Dong, ayaw ko na pong magsalita. Mahal ko po buhay ko at pamilya ko."
Dahil wala sa survey board ang sagot na ito, nag-react ang netizen, "Bakit wala??? Top answer dapat yun!!! Hahaha"
Saad naman ng isang netizen, "Wala dyan ung contractor nagtago na."
"Tumpak tumpak" Sagot naman ng isang nakapanood ng Family Feud.
Panoorin ang sagot ni Chichi rito:
Samantala, patuloy na manood ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!
Guess More, Win More 2025 winners