GMA Logo Miss Universe Philippines coronation night
Photo source: @themissuniverseph
What's Hot

Coronation night ng Miss Universe Philippines, sa Mayo na

By Ron Lim
Published March 17, 2026 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Send warships to Strait of Hormuz? Teodoro says PH does not have the capability
Anne Curtis lands magazine cover, speaks about misogyny
Zephanie, Michael Sager reunite to bring kilig and major P-Pop vibe in “Born to Shine"

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Universe Philippines coronation night


Gaganapin ang Miss Universe Philippines coronation night sa Mayo sa SM Mall of Asia Arena.

Kailangan nang ayusin ng mga pageant fans ang kanilang schedule dahil nag-announce na ang Miss Universe Philippines organization ng date para sa coronation night ng 2026 pageant.

Inanunsyo ng Miss Universe Philippines organization sa kanilang Instagram na mangyayari ang 2026 coronation night sa May 1, 2026 sa SM Mall of Asia Arena. Sa post, inabisuhan ng organisasyon ang mga pageant fans na antabayanan ang mga detalye kung paano kukuha ng tickets.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Bago ang coronation night, parte ng iba't ibang mga activity ang 51 mga delegates ng 2026 Miss Universe Philippines pageant. Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Aqua Boracay na magiging parte ng laung ng kanilang yacht service ang 51 delegates ng 2026 Miss Universe Philippines pageant. Mangyayari ang launch sa March 19 at 20, at maliban sa 2026 Miss Universe Philippines delegates, meron ding live DJ, open bar, at gourmet pica-pica. Nagbigay din ang resort ng contact details para sa mga gusting maging parte ng launch.

A post shared by Aqua Boracay (@aquaboracay)

Mangyayari ang yacht service launch bago ang Miss Universe Philippines swimsuit show, na gaganapin sa March 21, 4 p.m., sa Bulabog Beach location ng Aqua Boracay. Ayon sa resort, pagkakataon ito ng mga delegado to “own the stage”.

A post shared by Aqua Boracay (@aquaboracay)

Nitong nakaraang buwan, naging parte ang mga delegates sa Miss Universe Philippines press presentation. Kasama sa schedule ang parada sa SM Mall of Asia Arena at press presentation sa City of Dreams.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Ang Kapuso star na si Roxie Smith ay isa sa mga competitor sa 2026 Miss Universe Philippines pageant. Nangyari ang kanyang crowning and sashing bilang Miss Universe Philippines Baguio sa The Proscenium sa Rockwell, Makati.

Simula nang madeklara bilang 2026 Miss Universe Philippines Baguio, nakibahagi si Roxie sa Panagbenga Float Parade nitong taon, kung saan nasa float siya na nagdiriwang sa ika-30 taon ng Panagbenga Festival.