GMA Logo Mr World Philippines
Photo source: @mrworldph.official
What's Hot

Coronation night ng Mr. World Philippines, kasado na

By Ron Lim
Published March 28, 2026 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH committed to peaceful approaches on WPS, senior officials say
Liza Soberano brought this designer bag with her to the 'Forgotten Island' press conference
Aesthetic clinic ni Faye Lorenzo, negosyong fresh seafood at frozen taho, paldo! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

Mr World Philippines


Mangyayari ang coronation night ng Mr. World Philippines pageant ngayong Hunyo sa Newport Performing Arts Theater.

Kailangan nang ayusin ng pageant fans at aficionados ang kanilang mga schedule dahil nag-announce na ang Mr. World Philippines kung anong buwan gaganapin ang coronation night ng kanilang male pageant.

Nag-upload ang Mr. World Philippines organization ng poster sa kanilang Instagram account na ang coronation night ng Mr. World Philippines pageant ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa June 21, 2026, 7:00 p.m. Sa caption ng post, isinulat ng organization na isa sa mga kalahok “will earn the honor of carrying the Philippine flag on the world stage, embodying the true essence of an exceptionally empowered Filipino King.”

A post shared by MR. WORLD PHILIPPINES ORGANIZATION (@mrworldph.official)

Bagamat kasado na ang coronation night, wala pang mga pinakilalang candidato sa publiko ang Mr. World Philippines organization dahil gaganapin pa lang ang final screening para sa Mr. World Philippines pageant sa April 11 sa DoubleDragon Plaza sa Pasay City. Sa Instagram, inabisuhan ng organization ang mga interesadong aplikante na dumating suot ang smart casual attire at magdala ng swimwear, preferably trunks.

A post shared by MR. WORLD PHILIPPINES ORGANIZATION (@mrworldph.official)

Ilang screening na ang ginawa ng Mr. World Philippines nitong mga nakaraang buwan. Nagsagawa na ng screening ang organisasyon noong Nobyembre 29, 2025.

Ang screening na ito ay nangyari pagkatapos i-extend ng Mr. World Philippines organization ang kanilang application period hanggang Nobyembre 14, 2025. Deleted na ang Instagram post kung saan sinabi ng organisasyon na tumatanggap sila ng “seasoned contender” at aplikante na “stepping into the spotlight for the first time.”

Bago ang announcement, nag-extend na ng deadline ang Mr. World Philippines organization hanggang Oktubre 15, 2025.

Ang naunang deadline para sa applications ay noong Agosto 30, 2025, kung saan nagbigay ang organisasyon ng link sa application forms at instructions sa mga aplikante na magdala ng isang full body shot, isang swimwear photo, at isang headshot.

A post shared by MISS WORLD PHILIPPINES (@msworldphil)

Ang kasalukuyang Mr. World Philippines na Kirk Bondad ay nakasama sa Top 12 ng Top Model competition ng Mr. World. Pinuri din ng Mr. World Philippines si Kirk sa pag-showcase niya ng Filipino craftsmanship sa pagsuot ng suit na gawa ng designer na si Francis Libiran.

A post shared by ALV Pageant Circle (@alvpageantcircle)

Si Andrew Wolff ang pinakamalapit na maabot ang korona ng Mr. World noong 2012. First runner-up siya kay Mr. Colombia Francisco Javier Escobar Parra.

Kamakailan lamang ay nanalong Mister International si Kirk, isang pagkapanalo na idineklara niya bilang “bigger than himself.”

Related gallery: