
Isang exciting action movie ang mapapanood ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Huwag palampasin ang Corpus Delicti, starring Xian Lim.
Kuwento ito ng isang pulis na iimbestigahan ang misteryosong pagkamatay ng kanyang kapatid.
Panoorin ang Corpus Delicti, April 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa horror movies, nariyan ang T'yanak starring Judy Ann Santos, Solenn Heussaff at Tom Rodriguez.
Remake ito ng iconic 1988 horror film na Tiyanak na pinagbidahan nina Janice de Belen, Lotlot de Leon, at Ramon Christopher.
Iikot ang kuwento nito sa isang ina na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang anak, kahit pa isa itong halimaw.
Abangan ang T'yanak, April 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.