GMA Logo GMA Now and GMA Affordabox
What's Hot

Coverage areas ng GMA Affordabox at GMA Now sa Visayas, nadagdagan na!

By Beatrice Pinlac
Published March 7, 2022 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Now and GMA Affordabox


Mas maraming Kapuso na ang ma-e-enjoy ang GMA Affordabox sa Samar at Leyte. GMA Now users naman, makakasagap na ng digital signal sa Tacloban City!

Mas marami nang mga Kapuso sa Visayas ang makaka-enjoy ng kanilang panonood gamit ang GMA Affordabox at GMA Now.

Sa pamamagitan ng GMA Affordabox, maaari nang mapanood ng mga kababayan natin sa Samar at Leyte ang GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, I Heart Movies, at lahat ng free-to-air digital channels na available sa area sa halagang PhP888 lamang.

A post shared by GMA Affordabox (@gmaaffordabox)

Para naman sa mga masugid na tagasubaybay ng GMA-7 sa Tacloban City na always on the go, maaari niyo nang mapanood ang inyong paboritong news at entertainment shows sa inyong Android mobile phones gamit ang GMA Now.

Bukod sa hindi makabutas-bulsang presyo nito (PhP599), sulit din ang pakinabang ng plug-and-play dongle na ito dahil sa handog nitong libre at on-the-go TV experience. Para sa may internet connection, mayroon din kayong access sa mga nakaaaliw na interactive features nito!

A post shared by GMA Now (@gmanow)

Kaya kung nais ninyong mag-level up ang inyong viewing experience, bili na ng GMA Affordabox at GMA Now! Pumunta sa GMA Store, o kaya sa official GMA Store sa Shopee o Lazada.