
Bagong record ang naitala ng crime thriller mini-series na “The Lookout,” ang ikatlong handog ng drama anthology I Can See You Season 2.
Nitong Huwebes, April 22, nakakuha ang mini-series ng accumulated ratings of 17.6 percent (NUTAM PPL PRIME Survey).
Tampok sa ikaapat na episode ng “The Lookout” ang pagkrus ng landas nina Emma Castro, Dr. Robert Penuliar, at ng ex-miltary na ngayon ay gun-for-hire nang si Jason “Lakay” Bautista.
Sa naturang episode rin nabunyag na si Randy, ang kapatid ni Dr. Penuliar ang nagpapasok sa killer sa bahay ng mga Penuliar. Pero sa anong dahilan?
Sinusundan sa crime thriller mini-series ang mapangahas na hakbang ni Emma Castro, ang magician assistant na nagdesisyong kumapit sa patalim para makahanap ng perang ipangtutustos sa medical bills ng kanyang may sakit na kapatid.
Dahil wala nang ibang maisip na paraan na pagkukunan ng pera, pumayag si Emma na maging kasabwat at lookout sa plano ng kababata niyang si Dalo na pagnakawan ang pamilya Penuliar, ang mayamang pamilyang nakatira sa village malapit sa squatters area na kanilang tinitirhan.
Laking-gulat na lamang nila nang pagpasok sa bahay ng mga Penuliar ay tumambad sa kanila ang wala nang buhay na kasambahay ng mga ito. Lingid sa kanilang kaalaman, isang malagim na home invasion ang kanilang kinasangkutan.
Si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang gumaganap sa role ni Emma, habang si Kapuso hunk Luis Hontiveros naman si Dalo.
Ang veteran actor na si Christopher de Leon ang gumaganap sa karakter ni Dr. Robert Penuliar at ang dramatic actor na si Luis Alandy naman ang gumaganap bilang si Lakay.
Dahil sa intense na mga kaganapan sa serye, sinubaybayan ng viewers at nakahakot pa ng mga panibagong supporters ang “The Lookout.”
Bukod sa out-of-the-box na tema nito, puring-puri rin ng manonood ang mahusay na pagganap ng cast dito.
Andaming life lessons sa mini-series na ito. It is not your ordinary crime thiller. Kudos to the team!#TheLookoutReunited
-- Edmund Ternida (@SirEJTernida) April 22, 2021
Taray madam pang action star to panalo galing
-- jhanetlumawag (@jhanetlumawag) April 22, 2021
Barbie Forteza Best Actress |#TheLookoutReunited https://t.co/JZjNalY9Qe
Huhuhu kalungkot last na bukas. Pwede pa extend?HAHAHAHAHA
-- Kerstine Tiffany (@myfangirl31) April 22, 2021
Barbie Forteza Best Actress | #TheLookoutReunited https://t.co/zdwUAtlyjd
What the!!!? Abangan agad!!? kulang talaga ang 5 days eh!! Extend please we need more intense scenes!!!
-- Hazel Ronquillo (@hazelKYJ_YJG) April 22, 2021
Barbie Forteza Best Actress |#TheLookoutReunited
Virtual Hug for Emma @dealwithBARBIE!! Sobrang tapang mo girl!!! I salute you!! Girl power never understimate!!
-- Hazel Ronquillo (@hazelKYJ_YJG) April 22, 2021
Barbie Forteza Best Actress |#TheLookoutReunited
Binigyang-pugay din ng viewers ang lahat ng bumubuo ng mini-series.
Source: GMA Drama Facebook page
Mapanonood na ngayong gabi ang huling episode ng “The Lookout.” Saan hahantong ang mga rebelasyong gigimbal kay Lakay at sa pamilya Penuliar?
Huwag palampasin ang makapigil-hiningang mga tagpo sa I Can See You: The Lookout ngayong gabi, April 23, sa GMA, GTV, at Heart of Asia.
Para sa mga Kapuso abroad, maaari itong mapanood sa GMA Pinoy TV.
Kilalanin ang buong cast ng I Can See You: The Lookout at kanilang mga karakter sa gallery na ito:
Maaaring mapanood ang full episodes ng I Can See You: The Lookout sa GMA Network app.