
Hindi raw inakala ni Cristine Reyes na tatagal siya ng dalawang dekada sa showbiz.
“Sobrang nagpapasalamat ako kasi I've been in the industry for 20 years and I've been with Viva for 15 years,” sabi ng dating StarStruck avenger matapos pumirma ng bagong talent management contract sa Viva Artist Agency noong Biyernes, February 10.
Patuloy pa niya, “Hindi ko 'to in-expect, so I'm very thankful. Hindi ko in-expect na tatagal ako sa industriya. Nagsimula ako, batang-bata pa lang ako, wala pa akong masyadong iniisip. Nakaka-overwhelm kapag sinasabing, 20 years ka na [sa showbiz].”
Sa loob ng 20 taon, malaki na raw ang pagbabago ni Cristine, lalo na pagdating sa trabaho at pananaw niya sa buhay.
“Now, I'm much [more[ mature. I'm grateful for what I have. Kasi, if you compare me from before, I'm very much playful, hindi ako masyadong nagseseryoso sa buhay. But now, I appreciate everything that I have,”paglalahad ng aktres.
Ang mga pagbabagong ito, ani Cristine, ay dala na rin ng mga pinagdaanan niya sa buhay. Isa na rito ay noong ipinagbuntis niya ang anak niyang si Amarah noong 2015, kung kalian masasabing nasa kasagsagan ang kanyang showbiz career.
Ayon sa aktres, napaisip din siya noon kung makababalik pa siya sa showbiz pagkatapos manganak.
“I was contemplating back in the day when I wanted to have my own family, be settled, and live a peaceful life. I thought I would succeed but I failed.
“Nevertheless, I prayed talaga, 'Kaya pa ba?' Kasi, usually marami nang bagong pumapasok, marami na ring magagaling. That's why I'm really, really thankful kasi kung ano ang mayroon ako ngayon, pinapahalagahan ko talaga. Ano, e, ayaw ko nang mawala ito,”paglalahad niya.
Malaki raw ang pasasalamat ni Cristine sa mga tao sa paligid niya na walang sawang nagbibigay ng payo sa kanya.
Sabi niya, Actually, lahat naman ng tao sa paligid ko, lagi nila akong nire-remind, especially Ate VR [Veronique del Rosario], to take things seriously and all that. It's just that siguro ang turning point in my life was when I hit rock bottom--nawala lahat sa akin. Ang hirap no'n, nasaktan talaga ako doon. That's why I'm thankful that I'm here with Viva kasi they trusted me all the way until after everything. So, yung trust na yun ayaw kong biguin.”
Samantala, sa ngayon ay mga ilang proyekto nang nakahanda sa aktres. Isa na rito ang romantic-comedy movie, na personal daw niyang hiniling sa kanyang management.
Ang patikim niya sa proyektong ito, “Kaseselosan ng lahat ng mga lalaki ang susunod kong makakapareha. As in mag-abang kayo kasi nakakaselos talaga.”
Bukod sa pag-arte, nais din ni Cristine na makapagsulat ng isang pelikula balang araw.
“Actually, marami pa po akong gustong gawin. Gusto ko rin sanang magsulat. Marami rin akong creative things that I want to put into films as well.
“Medyo ano lang ako, nagte-take ng time. Ayaw ko kasi gawin yung mga bagay nang pilit. I wanna take my time to do the things I like to do like, yun nga I wanna eventually write. Who knows, kung saan man ako dalhin,” pagtatapos niya.
SAMANTALA, TINGNAN SI CRISTINE AT IBA PANG STARSTRUCK ALUMNI NA MOMMIES NA NGAYON: