GMA Logo Cristine Reyes
What's Hot

Cristine Reyes on getting into a relationship: 'Background check muna'

By Nherz Almo
Published February 13, 2023 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Cristine Reyes


Handa na ba si Cristine Reyes na pumasok sa isang relasyon? Alamin ang kanyang sagot dito:

“Actually, I have a date… with Amarah.”

Ito ang nakangiting sagot ni Cristine Reyes nang tanungin kung ano ang plano niya sa Valentine's Day. Ang tinutukoy niyang makakasama niya ay ang kanyang eight-year-old daughter na si Amarah.

Ilang taon na ring single ang aktres simula nang maghiwalay sila ng dating asawa na si Ali Khatibi. Sa ngayon, hindi naman daw hinahanap ni Cristine ang pagkakaroon ng karelasyon.

“Kapag iisipin ko ang nakaraan parang, okay, preno muna,” sabi niya sa GMANetwork.com at iba pang entertainment media sa pocket presscon na inihanda para sa pagpirma niya muli ng kontrata sa Viva Artist Agency noong nakaraang linggo.

Agad din niyang nilinaw na hindi naman siya na-trauma sa nakaraang relasyon. Katuwiran lang niya, “It's just that I've learned my lesson not to force things.”

Kaugnay nito, naging mas maingat na rin daw si Cristine sa pagpasok sa relasyon.

Biro pa ng StarStruck alumna, “Feeling ko, dapat muna mag-background check muna tayo sa lahat, bago pa man.”

Sa ngayon, hindi naman daw niya nararamdaman na isa siyang single mom, “kasi I'm happy, e,” sambit niya.

Patuloy pa ni Cristine, “I think ngayon ko naramdaman na masaya ako with everything. Ganun siguro kapag kuntento ka na sa buhay mo, wala ka nang masyadong hinahangad na mataas, kuntento ka lang kung ano ang ibigay sa 'yo.”

Malaki rin ang pasasalamat ng celebrity mom sa pagdating ng kanyang anak sa buhay niya.

Sabi niya tungkol kay Amarah, “I think she straightened up my life. Siya yung fortress ko. Siya talaga yung kapag lost na ako, titingnan ko lang siya na parang napakainosente.

“I wanna give her everything that I didn't have. I'm happy that I have a child na napakabait at napakatalino.”

SAMANTALA, TINGNAN SI CRISTINE AT IBA PANG STARSTRUCK ALUMNI NA MOMMIES NA NGAYON:

/