
May special week-long episodes ang Family Feud dahil tampok ang pinakasikat na showbiz families sa "More tawa, more saya kasama ang buong pamilya."
Ngayong Lunes, July 6, ang Cruz family, na isa sa mga kilalang showbiz clans, ang magpapasaya sa viewers.
Ang Cruz Ladies ay binubuo ng apat na babae mula sa pamilyang Cruz na parehong kilala sa kanilang talento. Pangungunahan sila ni Lyn Ynchausti-Cruz, ang matriarch and devoted wife ni Tirso Cruz III. Sila ni Tirso ang isa sa mga may pinakamatibay na love story sa Philippine showbiz.
Kasama niya ang kanilang anak na si Djanin Cruz na unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan sa larangan ng pag-arte; si Sheryl Cruz na isang batikang aktres at singer na decades-long ang career sa showbiz; at ang powerhouse performer na si Geneva Cruz na sumikat sa mga awiting tulad ng "Anak ng Pasig" at "Kailan" bilang miyembro ng dating grupong Smokey Mountain.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Hindi rin pahuhuli ang Cruz Gentlemen na binubuo ng mga lalaking may kani-kaniyang tagumpay sa industriya.
Mamumuno sa kanilang grupo si Tirso Cruz III, ang multi-awarded actor at dating Chairman ng Film Development Council of the Philippines. Mahigit limang dekada na siyang aktibong nagbibigay-buhay sa iba't ibang papel sa pelikula at sa telebisyon.
Kasama niya sa Family Feud stage si Hans Cruz, ang producer at singer-songwriter ng pamilya; Jeff Cruz, ang tiyo ni Sheryl Cruz at isang beteranong personalidad sa entertainment industry; at Boyet Cruz, ang ama ni Geneva Cruz at isa ring pamilyar na mukha sa industriya.
Sino kaya ang mananaig sa masayang tapatan ng Cruz family? Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong July 6, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.