
Ngayong Miyerkules, maghaharap na sina Felma (Vina Morales), Manuel (Neil Ryan Sese), at Hazel (Gladys Reyes) sa Cruz vs. Cruz.
Sa inilabas na teaser ngayong araw, mapapanood ang muling pagkikita nina Felma at Manuel sa isang park at masasaksihan ito ni Hazel. Dahil dito, labis ang kanyang galit at gumawa pa ng eksena sa park.
Sa nakaraang episode ng Cruz vs. Cruz, nais na makita muli ni Manuel sina Felma at ang kanilang mga anak upang humingi ng tawad ngunit ipinagbawal ito ni Hazel.
Sinubukan namang hanapin ni Manuel si Felma para makausap ito kahit na ayaw ng kanyang asawa ngunit hindi nakita ng una si Felma.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.