
May eeksena sa birthday party ni Jessica!
Sa teaser na inilabas ng Cruz vs. Cruz, naging emosyonal si Jessica (Caprice Cayetano) sa birthday surprise na inihanda sa kanya ng stepsister na si Coleen (Elijah Alejo).
Labis din ang pasasalamat ni Jessica sa kabaitang ipinaramdam sa kanya ni Felma (Vina Morales) at sa kanyang amang si Manuel (Neil Ryan Sese) na palaging naririyan para sa kanya.
Ipinasilip din ang pasasalamat ni Manuel kay Felma na pinatawad siya sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa niya. Hiling ni Manuel na mapatawad din siya ng kanyang mga anak na sina Jeffrey (Kristoffer Martin) at Andrea (Lexi Gonzales).
Samantala, darating si Hazel (Gladys Reyes) sa birthday party ni Jessica, na ikinagulat ng lahat.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NI CAPRICE CAYETANO SA GALLERY NA ITO: