
Patuloy na tumitindi ang mga tagpo sa hit drama sa hapon na Cruz vs. Cruz.
Sa teaser na inilabas ng GMA Network sa telebisyon at online, ipinasilip ang pag-uusap nina Felma (Vina Morales) at Coleen (Elijah Alejo) kung saan tinanong ng una sa kanyang anak kung ano ang ginawa nito kay Hazel (Gladys Reyes).
Ipinakita rin ang pag-uusap ng mag-inang Hazel at Jessica (Caprice Cayetano). Sinabi ni Hazel sa kanyang anak na si Coleen ang rason kung bakit siya nasa ospital.
Matapos ito, ipinalisip din ang paghaharap ng dalawang dalaga. Magbabago na kaya ang tingin ni Jessica kay Coleen?
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA drama series na 'Cruz vs. Cruz,' kilalanin!