
Patuloy na tumitindi ang mga tagpo sa hit drama sa hapon na Cruz vs. Cruz.
Sa teaser na inilabas ng GMA Network sa telebisyon at online ngayong Huwebes (October 9), ipinasilip ang pag-uusap ng mag-inang Hazel (Gladys Reyes) at Jessica (Caprice Cayetano) at sinabi ng una sa kaniyang anak na hindi nito tunay na ama si Manuel (Neil Ryan Sese).
“Si Manuel, hindi mo siya kaano-ano. Hindi mo siya kadugo,” ani Hazel kay Jessica.
Ipinasilip din dito ang pagiging emosyonal ng dalaga nang malaman ang rebelasyon mula sa kaniyang ina.
Sa paglabas ng katotohanan, papanig na ba si Jessica sa kaniyang ina?
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI CAPRICE CAYETANO SA GALLERY NA ITO.