
Ang dramang certified hit sa hapon ay anim na araw nang mapapanood!
Simula November 22, mapapanood na ang hit drama na Cruz vs. Cruz, na pinagbibidahan nina Vina Morales, Neil Ryan Sese, at Gladys Reyes, mula Lunes hanggang Sabado.
Sa mga nangyayari ngayon sa nasabing serye, tuluyan nang nakulong si Coleen (Elijah Alejo) matapos magtagumpay ni Hazel (Gladys Reyes) sa kanyang plano. Nag-viral naman ang video ni Hazel sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni Jessica (Caprice Cayetano) at pagpapakulong kay Coleen (Elijah Alejo).
Samantala, hindi sinasadyang naamin ni Hazel kay Atty. Salazar (Matt Lozano) na sinuhulan niya si Timo.
Wala nang mabibitin sa laban dahil anim na araw na ang bakbakan! Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., at 2:30 p.m. naman tuwing Sabado sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA drama series na 'Cruz vs. Cruz,' kilalanin!