
Magsisimula na mamayang hapon ang pinakamatinding laban ng pamilya sa pinakabagong handog ng GMA, ang Cruz vs. Cruz.
Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Vina Morales, na gaganap bilang Felma, Neil Ryan Sese, na bibigyang-buhay ang karakter na Manuel, at Gladys Reyes, na gaganap bilang Hazel.
Kabilang din sa cast ng Cruz vs. Cruz sina Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Caprice Cayetano.
Makikilala na natin ang dalawang pamilya na may iisang ama! Abangan ang world premiere ng Cruz vs. Cruz mamayang 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG CAST NG CRUZ VS. CRUZ SA NAGANAP NA GMA AFTERNOON PRIME GRAND MEDIA DAY SA GALLERY NA ITO.