
Nagsimula na ang kuwento ng pinakabagong Kapuso drama series na Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime nitong Lunes (July 21).
Marami ang tumutok sa world premiere ng naturang serye at nakakuha pa ito ng ratings na 7.5 percent base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod dito, umani rin ito ng mainit na suporta sa social media kung saan makikita ang positive reactions ng netizens. Nakatanggap ng papuri ang cast ng serye mula sa mga manonood dahil sa kanilang husay sa pag-arte.
PHOTO COURTESY: GMA Network (YouTube)
Ayon pa sa ibang netizens, naging emosyonal sila nang mapanood ang unang episode ng Cruz vs. Cruz.
PHOTO COURTESY: GMA Network (YouTube)
Balikan ang pilot episode ng Cruz vs. Cruz sa video sa ibaba.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG CRUZ VS. CRUZ SA GALLERY NA ITO.