GMA Logo Cruz vs Cruz
Source: lalexigonzales (IG), itselijahalejo (IG) and Elijah Alejo (FB)
What's Hot

'Cruz vs. Cruz' stars, todo ang suporta kay Caprice Cayetano na nominado sa 'PBB'

By Aedrianne Acar
Published January 27, 2026 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suspect who mauled, robbed Japanese man in Parañaque arrested — SPD
LRT-2 offers free rides to WTA attendees, officials
Malaysian, ex-SK chairman nabbed in Tawi-Tawi drug sting

Article Inside Page


Showbiz News

Cruz vs Cruz


Please save Jessica (Caprice Cayetano)!

"Walang iwanan!"

Yan ang sigaw ng mga dating co-stars ni Caprice Cayetano sa GMA Drama series na Cruz vs Cruz na todo ang kampanya online para sa "Ang Demure Daughter ng Quezon City" na isa sa mga nominado sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Kapwa nominado ni Caprice at mga Kapuso talents na sina Sofia Pablo at Heath Jornales. At isa sa kanila ang matatapos na ang journey sa Bahay ni Kuya. Samantala, sa mga Kapamilya talents, sina Joaquin Arce, Carmelle Collado at Eliza Borromeo ang nanganganib ma-evict.

RELATED CONTENT: Caprice Cayetano's stunning 'Kapuso Profiles' portraits that will leave you mesmerized

Sa confession room, ibinahagi ni Caprice ang lungkot na maging nominado.

Pag-amin niya kay Kuya, “Gusto ko pa po magrow dito sa loob ng bahay niyo Kuya. Tsaka, ayoko ko pa umalis dahil may mga dreams din naman po ako Kuya.”

“Hindi ko po talaga maiwasan siyempre po na maging malungkot ngayon po nominado po ako Kuya, dahil malapit-lapit na rin naman po 'to matapos. Medyo nanghihinayang din po ako na kung kailan malapit-lapit na po Kuya dun po ako napunta sa alanganin.”

Kaya naman ang Cruz vs Cruz stars na sina Lexi Gonzales at Elijah Alejo, nag-post sa kani-kanilang social media pages at humingi ng tulong sa kanilang fans para iligtas si Caprice sa eviction night.

Gumanap si Caprice bilang Jessica sa high-rating afternoon series na anak ni Hazel na ginampanan naman ng award-winning actress na si Gladys Reyes.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.

RELATED CONTENT: Kapuso housemates' cutest throwback photos!