
Mapapakinggan na ang theme song ng nalalapit na GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz sa music streaming platforms worldwide.
Inawit ng seasoned actress at singer na si Vina Morales, na isa sa lead stars ng naturang serye, ang theme song na pinamagatang “Kung Mababalik,” na isinulat ni Rina May L. Mercado, mixed by Harry A. Bernardino, at produced by Rocky S. Gacho.
Noong Mayo, ipinasilip ni Vina ang behind the scenes ng kanyang recording ng theme song ng pinagbibidahan niyang drama series.
Abangan ang Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day