GMA Logo Chito Miranda and Neri Naig
What's Hot

Cryptic posts nina Chito Miranda at Neri Naig, ikinabahala ng kanilang fans

By Dianne Mariano
Published July 28, 2021 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: UST routs NU, forces do-or-die for women’s basketball title
Dennis Trillo unboxes Best Actor trophy from Asian Academy Creative Awards 2025
Man caught on CCTV robbing coffee shop in GenSan

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda and Neri Naig


Kamakailan lamang ay nagbahagi ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ng kanilang misteryosong posts sa social media na ikinabahala ng fans.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng fans at supporters nina Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda at asawa niyang si Neri Naig ang kanilang magkahiwalay na cryptic posts sa social media.

Noong Hulyo 26, ibinahagi ng kilalang musikero sa kanyang Twitter account ang isang larawan ng broken heart na kulay itim at isinulat sa caption, “Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat… pero bakit parang hindi na tulad ng dati?”

Sinundan naman ito ng katagang, “Bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin.”

Ang ilan naman sa mga taga-suporta ay nagtataka kung ano nga ba ang nangyari sa mag-asawa at ibinahagi ang kani-kanilang sentimyento.

Photo courtesy: chitomirandajr (Twitter)

“Naku ano kayang mabahong chismis ito? Ang hirap talaga ng pagbabagong di mo inaasahan at minsan yan talaga ang nakakasira ng pagsasama. Pero mareresolba yan kung pagtutulungang ayusin #ChitoNeriForever,” ani ng isang @JelhoSanchez.

Photo courtesy: chitomirandajr (Twitter)

Matapos lamang ang ilang oras ay ibinahagi ni Neri ang isang litrato ng bintana na tila'y nauulanan.

Isang post na ibinahagi ni Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Ayon sa caption ng larawan, “Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon.”

Patuloy nito, “Minsan napapaisip ka… kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba?”

Umusbong din ang mga komento mula sa followers ni Neri at ilan sa kanila ay nagtanong kung ano ang pinagdadaanan ng dating akres.

Ayon sa isang fan na si @sanchezyen17, “Laban lang po mommy Neri, ano ba kasi yan bahong sumisira na yan. Gigil nya ako huhu. Basta alam ako #ChitoNeriForever lang sakalam.”

Photo courtesy: mrsnerimiranda (IG)

Bagamat may mga ganitong reaksyon, mayroon ding mga fans na nagsasabi na ang misteryosong posts ng mag-asawa ay para sa isang panibagong kanta ng pangunahing mang-aawit ng Parokya ni Edgar.

Photo courtesy: mrsnerimiranda (IG)


Naging trending topic din sa bansa ang #ChitoNeriForever sa Twitter at mabilis na nag-viral ang cryptic posts ng mag-asawa.

Taong 2014 ng ikinasal sina Chito Miranda at Neri Naig sa isang civil wedding ceremony sa Tagaytay at halos pitong taon nang magkasama ang dalawa.

Sa kasalukuyan, mayroon silang lalaking anak na si Alfonso at isang bunsong anak na ipinagbubuntis pa ng aktres.

Samantala, tingnan muli ang magandang rest house sa Cavite nina Chito Miranda at Neri Naig sa gallery na ito: