
Malaki ang pasasalamat ni Crystal Paras sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA Playlist na maibahagi ang sarili sa kantang "Hintay."
Inilabas ang debut single ni Crystal Paras noong January 21, na agad na pumangalawa sa iTunes Philippines.
Sa interview sa Behind The Song Podcast, ibinahagi ng Kapuso singer kung bakit espesyal para sa kanya ang "Hintay."
"It's my debut single, it's my baby. I'm really glad that our GMA Playlist family made this as collaborative as possible," sabi niya.
Dagdag ni Crystal, "Hinayaan talaga nila kami from the song, the arrangement na may input talaga kami. It's nice to finally 'Oh they gave a part of myself to the song talaga mismo.'"
Ayon kay Crystal, sobrang na-excite siya noong recording ng "Hintay" dahil mahigit dalawang taon din nang huli niyang nakasama ang GMA Playlist family.
Panoorin ang buong interview ni Crystal Paras sa Behind The Song Podcast:
Samantala, mas kilalanin pa si Crystal Paras sa gallery na ito: