
Tunghayan ang award-winning Korean melodrama na Curtain Call sa GMA, simula ngayong Lunes, July 22.
Si Gloria (Go Doo-shim), founder ng leading hotel chain sa Korea, ay na-diagnose na may cancer at napag-alamang may tatlong buwan na lamang upang mabuhay.
Ang kanyang huling hiling ay matagpuan at muling makasama ang matagal nang nawalay sa kanya na apo na si Maurice.
Ngunit matapos ang mahabang panahon ng paghahanap ay napag-alaman ni Samuel (Sung Dong-il), ang kanang kamay ni Gloria, na lumaking isang kriminal si Maurice.
Dahil dito ay napagdesisyunan ni Samuel na itago ang katotohanan kay Gloria at sa halip ay kinausap niya ang aktor na si Joaquin (Kang Ha-neul) upang magpanggap na si Maurice.
Maging matagumpay kaya ang pagpapanggap ni Joaquin? Malalaman kaya ni Gloria ang tunay na katauhan ni Joaquin?
Abangan sa Curtain Call, Lunes hanggang Biyernes, 11 p.m., sa GMA.