
Sa unang linggo ng Curtain Call sa GMA ay nakilala si Sharon, ang mabusising manager ng Nakwon Hotel at apo ni Gloria na siyang chairman ng sikat na hotel chain.
At kahit na mayaman at tila nasa kanya na ang lahat ay ipinakita na pamilya pa rin ang priority ni Gloria, lalo na ang kanyang mga apo.
Ang tanging hiling sa buhay ni Gloria ay ang makasamang muli ang kanyang nawalay na apo na si Maurice.
Sa kabilang dako naman ay natunghayan ang simpleng buhay ni Joaquin, na bukod sa pagiging theater actor ay namamasukan rin bilang isang delivery rider.
Isang gabi, matapos ang isa niyang show, doon nakilala ni Joaquin si Samuel, ang kanang kamay ni Gloria na matagal nang hinahanap ang nawalay na apo ni Gloria.
Sa kanilang pag-uusap ay inalok ni Samuel si Joaquin na magpanggap bilang si Maurice, upang matupad na ang huling hiling ni Gloria.
Magiging matagumpay kaya ang plano ni Samuel at Joaquin? Makuha kaya ni Joaquin ang loob ni Gloria bilang Maurice?
Abangan sa Curtain Call, Lunes hanggang Biyernes, 11 p.m., sa GMA.