GMA Logo Laro, Laro, Pick kid players
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Cute chikitings, naglaro sa 'Laro, Laro, Pick' ng It's Showtime

By Kristine Kang
Published January 25, 2026 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala hopes to inspire people with her journey
Dress for the cold like these Kapuso beauty queens
Biyahe ni Drew: Alamin ang mga patakaran sa pag-akyat sa Mt. Pulag

Article Inside Page


Showbiz News

Laro, Laro, Pick kid players


Ipinamalas din ni Lucas Andalio ang kanyang award-winning acting!

Cuteness overload ang FUNanghalian ng madlang people sa noontime program na It's Showtime!

Nitong Sabado (January 24), nakilaro ang mga cute na chikitings sa game segment na “Laro, Laro, Pick.”

Mula sa kulitan kasama ang mga host hanggang sa mismong paglalaro, puno ng energy ang little players sa stage.

Kasama rin sa segment ang cute at charming It's Showtime kid na si Argus, na game na game sumayaw at makipagkulitan.

"Ang cute ni Argus parang may hinahanap lang," ani Vhong Navarro sa sayaw ng player.

Nakisaya rin si Lucas Andalio, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 Best Child Performer dahil sa kanyang akting sa Call Me Mother.

"Kunwari may nag-magic, bukas si Lucas malaki na. Sino 'yung gusto mo kamukha sa kanilang dalawa?" tanong ni Vice Ganda habang tinuturo sina Vhong at Jhong Hilario.

“Hindi ko alam,” sagot ni Lucas.

"Okay lang, hindi kami masasaktan kahit sino ituro mo sa amin," hirit ni Jhong.

Natawa ang lahat nang biglang ituro ni Lucas ang gitna nina Vhong at Jhong.

"Pinapaasa mo lang," biro ni Vice.

Para matulungan ang child star, sumabak ang dalawang host sa drama acting. Ngunit mas namangha ang madlang people sa galing ni Lucas sa pag-iyak at pag-arte.

"Sino ang mas magaling sa dalawa?" tanong ni Vice.

"'Di ko alam pa rin," masayang sagot ni Lucas.

Kid version din ang “You Gotta Lyric” dahil ang kumanta sa episode ay walang iba kundi si Imogen.

Pumasok naman sa jackpot round ang child player na si Kendall, na masayang nanalo ng PhP100,000. Mauuwi niya ang kalahati ng premyo habang ang natitirang halaga ay mapupunta sa donasyon.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang nakakatuwang episode sa video na ito: