
Sa kanyang Twitter ay nag-post siya ng throwback photo na kuha noong nakaraang taon kung saan makikitang naglalaro sila ng foosball ni Alden.
By CHERRY SUN
Laging nakatutok si Daddy Bae Richard Faulkerson, Sr. sa kanyang anak, ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Mula sa mga hamon ni Lola Nidora kay Alden hanggang sa mga sweet moments ng AlDub na nagpakaba sa kanya ay talagang mapapansin ang suporta nito at ang closeness nila ng kanyang unico hijo. Kaya naman, hindi rin maiwasan na maging emotional si Daddy Bae kapag naiisip at naalala niya si Alden.
Sa kanyang Twitter ay nag-post siya ng throwback photo na kuha noong nakaraang taon kung saan makikitang naglalaro sila ng foosball ni Alden. Paglalarawan niya, "December 2014 bonding time / quality time."
Throwback -somewhere out there -December 2014 bonding time /quality time #ALDUB20thWeeksary pic.twitter.com/MhTDqedwsY
— Richard P Faulkerson (@R_FAULKERSoN) December 2, 2015
Ayon sa isa pa niyang Twitter post, "Miss ko 'yung jogging namin, basketball namin umaga & pasyal si Globie."
"Emote si Daddy Bae, pakibatukan nga ako haha," patuloy niya.
miss ko yung jogging namin, basketball namin sa umaga &pasyal si Globie. Emote si daddy bae paki batukan nga ako haha! #ALDUB20thWeeksary
— Richard P Faulkerson (@R_FAULKERSoN) December 2, 2015